Life update:

Para sa mga stalker at iba pa na pilit nanghihimasok sa buhay ng may buhay. CHAROT!

giphy

Natutuwa lang talaga ako sa mga taong hindi pa rin makausad. Siguro andun yung burden na kahit papano kelangan nilang “gumanti” at some point at patunayan sa sarili nila na sila ang mas angat sa iba. Hindi ko rin actually maintindihan kung bakit may mga ganitong kadramahan sa buhay at sobrang dami nilang extra time para magkalat ng kajejehan not to mention na 2017 na hellooooo. Buong oras ko nakatuon sa:

  • feasibility study – hindi ko na alam kung paano ako magde-design ng buong plano ng isang hospital since ang daming kelangang sundin na rules tulad ng minimum area ng mga rooms and all, kung saan dapat ito ilagay, kung neccessary ba ito, kung sapat pa ba sa budget.. At putangina ako pa gagawa ng STAAD since ako lang ang marunong nun sa grupo namin. Hindi madali ang designing. Critical to. Hindi ito yung gagawa ka lang ng floorplan kasi buong plano to and what I mean “buo” is from architectural down to plumbing. At mas critical lalo ang STAAD since dito papasok lahat ng loadings – structural mga pre. So laslas.
  • buhay live in – ayun na nga (basahin mo yung recent post ko para maintindihan mo) anyway sabi niya ire-retain niya yung space niya doon sa staff house nila pero dito na siya titira sa bahay. Ibig sabihin nun, maglalagay lang siya ng gamit dun o kaya t’wing maga-away kami e may place siya na mapupuntahan. So ano pa ba ang mas sasaya sa pakiramdam na matutulog at gigising kang siya ang katabi?
    Nakakapuyat lang talagang gumising ng alas kwatro ng umaga para ipagluto siya ng breakfast, magpainit ng panligo niya, i-prepare yung packed lunch niya.. Para na talaga kaming nagsasama sa iisang bahay. Hindi naman siguro necessary na palagi kaming sabay natutulog since may mga school papers pa rin ako na kelangang tapusin. Madalas midnight ko na siya tinatabihan.
    Tska hindi naman siguro requirement na ipagsigawan ko sa social media na nagsasama na kami o nilulutuan o binabaunan ko siya o palagi kaming sabay maligo o ako naglalaba ng underwears niya o kaya umuutot akong walang pasabi o nangungulangot siya sa harap ko, diba? Tska…. hindi naman siguro restricted na gawin namin yung mga bagay na ginagawa rin ng ibang tao? *grins*
    (Fact verse: hindi ito yung unang pagkakataon na dito siya nag stay sa bahay. Last last year pa siya natutulog dito kahit nung nag-aaral palang siya, hahaha pero mas masarap pala sa pakiramdam ngayong nagta-trabaho na siya! Pak!)
  • board exam – putangina sa november na kinakabahan na ako. Mukhang matagal tagal pa pero tangina ngayong taon na yan e. Paano kapag bumagsak ako? Ang laki pa naman ng expectations sakin ng mga tao. Pero anyway.. First time itong mapapalayo ako sa family ko at anim na buwan rin yun. Anim na buwan na mawawalan ako ng nakasanayan kong comfort. Napapaputangina nanaman ako kapag naiisip ko yung board exam, shet. Pero plano ko talaga mag apply sa manila pagkapasa ko kaso naisip ko na mas maganda yatang mag gain muna ako ng experience dito sa launion, ano? Pero subukan ko lang mag submit ng resume tas kapag swinerte at nakuha, edi shing. Lahat na ata ng santo dadasalan ko na. Please 2017, be good to me.
    Kung dito man ako sa probinsya mag work, di ko naman talaga problema maghanap. Di naman sa nagyayabang ako pero actually, totoo. Kaya nga ako pinag engineering ng tatay ko e kasi sakop niya yun. Ako lang yung magtutuloy sa mga naumpisahan niya. At sobrang laking pressure nito sakin na baka madisappoint ko yung ibang tao sa laki ng expectations nila sakin since nakatatak sa isipan nila na anak ako ni ganito. So ayun, la la la bahala naaaa.

Sa mga tatlong bagay lang talaga na to umiikot ang mundo ko. Acads. Priorities. Life. 

Ilang taon ang nakalipas ang dami ng nangyari. Ang daming nagbago. Di ako makapaniwalang andito na ako, malapit ng makatapos. Malapit na grumaduate. Malapit na magkaroon ng career at kung papalarin maging licensed civil engineer na rin.

Pero narealized ko rin na kahit ilang taon na ang lumipas, may mga tao pa rin na hindi marunong tumanggap ng insecurities nila sa buhay. Yung kahit sa mga simpleng bagay na gawin mo e napaka big deal pala sakanila? Yung ginagawa mo yun para sa sarili mo pero iniisip nila na parte pa rin sila ng buhay mo? Putang mga pabidang hindi maka move on, pwe.

  • So anyway, naiintindihan din naman namin since may mga tao talagang maraming extra time para mambullshit ng buhay ng iba kaya ang sarap nalang tawanan ng ilang minuto tapos back to life ulit. Parang commercial lang, nagbibigay break sa makabuluhan at busy na buhay. Naiintindihan talaga namin, may psychological explanation din naman yung mga ganun na behavior kasi pwedeng:
    hindi nila matanggap na okay ang life mo ngayon at tumataas ang insecurities nila kasi gusto nila sila lang ang okay at ikaw hindi. Gusto nila nasa baba ka lang nila at sila nasa taas. In short, they see themselves as gods na hindi pwedeng angatan at pantayan.
  • akala nila nakikipag compete ka sa lahat ng bagay kahit na nananahimik kang namumuhay. Isa kang malaking threat.
  • At dahil gusto talaga nilang ipamukha sayo na ganun nga, pretension will arise at napaka surreal. Mahahalata mong stand lang ang lahat at matatawa ka nalang kung pano nagiging desperate ang mga tao para lang hilain ka pababa.

Isang napaka deep na thoughts. Totoo actually. May mga tao talagang ganyan. Pero ano pa ba magagawa natin kundi tawanan nalang since pure negativity lang din naman ang idudulot nila.

Weekdays na ulit. Trabaho na naman siya pero weee, payday! Gusto ko na rin talaga magkatrabaho ng makapagipon na kami at mag travel at kung papalarin, makapag settle together.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s